tuloy po kayo. :)

hello!
annyeong!
kumusta?

ito ang tahanan ko sa "cyber world."

una sa lahat, nais kong ipaalam na ginawa ko itong "blog" na ito dahil:

1.) Isa ito sa mga kakailanganin ko upang ako ay makapagtapos.
2.)Para kay G. Yuan Anot na guro ko sa Filipino.
3.)Para magkaroon ng mataas na marka.
at ang huli,
upang maibahagi ko ang isang parte ng buhay ko sa inyo.

sa mga mambabasa at natutuwa sa gawa ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang humushuga sa isinusulat ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang umuusyoso lamang, SALAMAT.
sa mga mambabasa o sa kung sino man ang dumaan dito, SALAMAT.

maari po kayong mag-"reply" sa bawat artikulong ibabahagi ko, tatanawin ko po itong malaking tulong upang mabago ang istilo ko sa pagsusulat. :)

"ORA ET LABORA"
(that in all things God may be glorified)

ito ang pagbabasehan ng mga artikulo ko dito sa blogspot.

noyPi

noyPi
(pindutin ang imahe para sa isa ko pang "blogspot")

at yor serbis! (pindutin ang larawan upang makatungo sa aking mundo)

Thursday, February 17, 2011

pagiging guro

oh hello there! :)
konti lang ang aking mga larawan
ngunit sana'y maging sapat na ito
upang mailathala ko sa inyo
kung gaano ko ikinatuwa ang pagkakataon
na ito.

ang maging guro.


magsisimula ako sa isang nakakatawang kuwento
(para sakin)


makikita niyo naman na kasama ko dito si SIR DICKIE :))
alam kong nakakatawa na yung mukha niya pero 'di pa yun yung kuwento ko.

naiwan kasi akong mag-isa, oo, walang kasama :(
hanggang sa nakita ko sina SIR RAVE AT SIR DICKIE at vacant nila nun
nagugutom na ako kaya agad kaming pumunta sa kainan.

ngunit wala akong nais kainin.

habang nag-iikot si Rave sa canteen ay minabuti ko na lamang makipagkodakan kay Jaydee.
Nag timer kami, ngunit habang hinihintay ang pag-*click* ng kamera ay biglang dumating si Rave. Humarap sy sa amin at biglang nagtanong "Bakit kayo ngumingiti sa akin?" at bigla siyang ngumiti. Pagkatapos makuha ang aming larawan ay agad kaming nagtawanan ni Jaydee.

(basta nakakatawa kasi si Rave, iba kapag nandun kayo :)))


Habang bakante ang aking schedule ay nasaktohan ko namang nakatambay ang aming guro na si Sir Chris sa labas sa kadahilanang binabantayan niya ang substitute niya na si Ms. Angel.

Nagkaroon kami ng kaunting usapan tungkol sa pamantasan na nais kong pasukan sa kolehiyo.

Ikinwento ko sa kanya ang balak kong pagpasok sa St. Scholastica's College at agad niyang tinutulan ito. Hindi raw ako dapat sa pamantasan na iyon. Maganda raw ang pamantasan ngunit kadalasan hindi maganda ang kinalalabasan ng mga kababaihan sa pamantasang nabanggit.

Marami pang mga pamantasan ang aming napag-usapan. Nagpapasalamat din ako dahil kahit papaano'y alam ko na marahil ang aking papasukan sa susunod na taon. Salamat Sir Chris. :)

Nga pala inubos ni Sir Chris yung toblerone ko :)) andami niya nakain!! TAKAW SOLID!


si TEACHER AGATHA at SIR RAVE


si TEACHER JERVE at MS. LIM pati si SIR LUIGI

(pasensya na wala akong larawan sa lahat yung iba naman malabo) :(




KARANASAN BILANG GURO

Noon pa man ay alam ko ng hindi madali ang maging isang guro. Kung sa pag-uulat pa nga lang ay hirap na akong makuha ang atensyon ng aking mga kaklase paano pa kaya kung magturo ako sa hindi ko pa ka-"batch."

Unang kong nahawakan ang III-NEWTON
Maingay at magulo ang klase, ngunit sulit naman ang pagsasaway sa kanila dahil nakikinig naman sila at mabilis makasunod sa aralin na aking pinagsasabi.
Mayroon silang pagkakaisa at pag sinabi mong gumawa ng ganitong bagay ay agad nilang sinusunod.
Mahusay ang pangkat nila, at nakikita ko ang PASCAL sa kanilang pangkat.

si SHANNA ang pinaka masipag na estudyante para sa akin.
si GINO ang pinaka makulit.
si ADRIAN naman ang bukod tanging sumagot ng maayos sa aking mga katanungan.

(patawad wala akong larawan :( :| )

:)

Ikalawang klase ko naman ay ang III-EINSTEIN
Makukulit at tila ba sinusubok ang aking pasensya. Ngunit wala naman halos naging problema dahil nakikinig naman sila kahit na nag-iingay sila.

Napansin ko lang sa kanilang pangkat na grupo grupo sila.

Ang unang row ay pinaghahaarian ni CARL at ang reyna ay si ELLA habang si RENZ naman ang kanilang pinagttripan.
Ang ikalawa naman ay tila row para sa magkakaIBIGan, dito nakaupo sina CHEZKA at RAMIZ pati na rin si GABBEEEY at NIKKI.
Sa dulo naman ay naroon ang grupo ni PAIGE, ANDREA at YLO.

sa mga hindi ko nabanggit, pasensya, 'di niyo kasi ako pinapansin habang nagtuturo ako sila lang tuloy ang naalala ko.


ang makukulit na estudyante
(sila lang may picture kasi kinuha ni Carl yung cam ko) :))=))

Huling pangkat ang DALTON

nalungkot ako sa pangkat nila.

Pagpasok ko ay sobrang ingay na nila lalo na sa puwesto ni SAIJAN, SARY at ANTON. Ngunit maya maya ay tumahimik rin naman sila.
Nakakabinging katahimikan, :( tahimik pero walang nakikinig.
Pakiramdam ko'y nasa ibang mundo ako na hindi ako "welcome."
Pero natuwa ako kay SARY :))
sinalubong niya ko sa mga corny niyang jokes.

ayun lang wala na ko masabi. :)

MASAYA NGUNIT NAKAKAPAGOD,
MAHIRAP AT MASAKIT SA LIKOD.
ka stress :))

yun lang sa ngayon
hanggang sa muli :)







No comments:

Post a Comment