tuloy po kayo. :)

hello!
annyeong!
kumusta?

ito ang tahanan ko sa "cyber world."

una sa lahat, nais kong ipaalam na ginawa ko itong "blog" na ito dahil:

1.) Isa ito sa mga kakailanganin ko upang ako ay makapagtapos.
2.)Para kay G. Yuan Anot na guro ko sa Filipino.
3.)Para magkaroon ng mataas na marka.
at ang huli,
upang maibahagi ko ang isang parte ng buhay ko sa inyo.

sa mga mambabasa at natutuwa sa gawa ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang humushuga sa isinusulat ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang umuusyoso lamang, SALAMAT.
sa mga mambabasa o sa kung sino man ang dumaan dito, SALAMAT.

maari po kayong mag-"reply" sa bawat artikulong ibabahagi ko, tatanawin ko po itong malaking tulong upang mabago ang istilo ko sa pagsusulat. :)

"ORA ET LABORA"
(that in all things God may be glorified)

ito ang pagbabasehan ng mga artikulo ko dito sa blogspot.

noyPi

noyPi
(pindutin ang imahe para sa isa ko pang "blogspot")

at yor serbis! (pindutin ang larawan upang makatungo sa aking mundo)

Tuesday, February 15, 2011

JS promenade 2011






eksaktong 38 araw na lang
graduation na
:)

pero may isa akong araw sa buong buhay ko ang hindi ko malilimutan :)

ang aming PROM :)

ang paghahanda!

Habang abala na ang lahat sa pagpapaganda, eto ako sa bahay walang pakielam nanunuod ng telebisyon at naghihintay ng oras kung kailan sisipagin at magsimula na ring mag-ayos.
Sa aking pagsilip sa ym lahat ay naka afk, brb at prom na ang istatus habang ako naman
"i-chat niyo ako wala akong magawa"
hanggang sa may nag pm sa akin.
"NAG-AAYOS KA NA BA?"
Napatingin ako sa orasan, bakit ako mag-aayos eh mayroon pa namang tatlong oras.
Sapat na iyon wala naman kasi ako talagang paghahandang ginawa.
*makalipas ang ilang minuto*

LEANNE MALIGO KA NA!!!!
BILISAN MO!!!

naririnig ko na ang malalakas na tinig ng aking kapatid na si matetty.

Para bang mas excited pa siya sa prom kaysa sa akin.
"saglit lang!"
*sabay tulak sa paliguan*
MAGPAPA-AYOS KA PA ANONG SAGLIT LANG!!
wala na nga akong nagawa kundi sumunod sa utos niya.

ala-una na nang dumating ako sa pagupitan.
May dalawang babaeng nakasalang sa upuan na tila nagalit ang babaeng nag-aayos at binuhusan na lang sila ng kolorete sa kanilang mga mukha.
Hindi ko sila nakilala ngunit 'pag lapit ko,
si YLO at CHEZKA pala!
napakagandang mga binibini,
pula ang kuko at hanep sa kulot ang kanilang mga buhok.

*sabay bulong kay nanay*
"ma ayoko dito magpaayos ha, ang kapal ng foundation baka mamanhid ako at di na maramdaman kung nasaan ang mukha ko,"

sige sige naman ang sagot ni nanay.
paayos ka na lang ng buhok lee, agad niyang sinambit.

HABANG INAAYUSAN AY NAGTANONG ANG LALAKI
"hair and make-up?"
hindi po HAIR lang po :)
"eh pero matagal yun magpa make-up ka na rin"
*napilitan*
sige ho wag niyo na lang po akong gawing bakla.
"ako na bahala sa'yo"

anong pakiramdam ng nagpapaayos?
parang isang malaking canvass ang iyong mukha
at sandamakmak na kulay ng pintura ang ipinipinta dito
ngunit ng matapos ay 'di naman ako nagsisi
dahil master piece naman ang kinalabasan.

Marahil nga ay nagpapaganda ang kolorete kahit panandalian lamang,
ngunit sa mga oras na iyon
ang pakiramdam ko nama'y
hindi na ako si LEANNE.
na ibang tao na ang nasa salamin.
hindi ko kinasanayan ang ganung mga bagay, ngunit natuwa ako sa aking pinagbago.
sana'y lahat ng pagbabago ay ganoon na lamang,
lahat maganda,
lahat ikasasaya.
NGUNIT TALIWAS ITO SA TUNAY NA BUHAY,
madalas ang pagbabago ay hindi para sa ikabubuti
kundi ikinasasama.

hindi ko na masyadong idedetalye ang parte na ito, ngunit si CHRISTIAN SOVERANO ay nakasabay ko rin sa pagupitan at sinabihan siya ni mama na "anak ang pogi nito, oh isaway mo yung anak ko mamaya ha, tiyak na prinsipe ka mamaya." at ayun nga nagdilang anghel ang aking ina. tadaaan! prinsipe nga si G. Soverano. :)

MISMONG OKASYON

ang aking "prom date"
(ngayon F.O na kami)


prom, naging masaya ang lahat lalo na noong nagsasayawan na. :)
pero ako naging masaya ako noong nakuha ko ang larawang ito :">
(pagpasensyahan ang aking mukha si JONG na lang pansinin niyo. :">)


lahat maging ang aming guro ay natuwa :)

lalo na si sir zen na nasayaw sa gilid ng kuhaan ng pagkain :))
nasa gilid lamang siya ngunit todo bigay sa bawat kembot niya :))
(meet my daddy)

at ang party king :))
lumiit siya pramis :))
di kinaya ng height niya yung heels ko :>
(meet my bestfrenemy)

patawad dahil wala akong larawan kasama ang iba pang guro ko. :(
ngunit nais kong makilala ninyo ang mga tunay na kaibigan ko :)
dahil sa kanila ay tunay na naging maligaya ang aking PROM :)
djane lim :) si SHOBSS :">

si alyssa abotanatin a.k.a BANANA :)

ang aking master :) \m/
SAMURAI

marami pang ibang tao ang kumumpleto ng PROM ko
ngunit kung ilalagay ko ang larawan namin dito
baka isipin ninyong scrapbook na ito :)

masyadong madami ngunit alam niyo naman kung sino kayo :)
mahal ko kayo
sobra
galing yan sa isip at puso ko :)
(bihira lang magkatugma ang isip at puso)

sabi nila espesyal daw ang una't huling sayaw kaya ito :)

ang unang nakasayaw ko:
(si raymond yan :] )

ang huling nakasayaw ko :)
(si christian joseph a.k.a bea alonzo)

BAGO KO ITO TAPUSIN MAY NAIS AKONG IPAKILALA SA INYO
:)
ANG PAMILYA KO
:'( mahal na mahal ko sila at hindi ko ipagpapalit ang mga sandaling nagtawanan kami.
sana sa kolehiyo'y manatili silang mga anak at apo ko :)


nais ko silang ipakilala :)

(left-right)

RUEL
CELINA (si Celina yung apo ko kay Agatha at asawa niya si Ruel) :))
THEA (anak ko, walang asawa :)) single but the heart is taken by killer smile)
*magaling magsulat at maganda (mana sa parents)
*sa kanya galing ang larawan na ito
AKO
JONG (ama ng mga anak ko :">)
*pinakapoging asawa
*matalino
*ngunit TAKSIL :)))
LUIGI
AGATHA (si Agatha yung anak ko at asawa niya si Luigi)
*magaling magdrawing
*magaling kumuha ng larawan
*maganda
(mana sa magulang niya :]]])
LORENZO
JANNA (si Janna ay anak ni Agatha, sa makatuwid apo ko siya at asawa niya si Lorenzo)

'di pa yan lahat :) sobrang malaki yung pamilya namin :)

mamimiss ko silang lahat :"> :'(

nga pala kung nagtataka kayo ano nangyari sa akin pagkatapos nung prom, kumain lang ako ng crepe :))

ito siya oh!


at diyan nagtatapos ang isang makasaysayang gabi ng buhay ko! :)


maraming salamat sa pagbabasa!

hanggang sa muli,

-LEE-














No comments:

Post a Comment