hi Sir Yuan!! ito na pala yung final na unang post ko. :) yippie! sorry kung madaming nauna na post =)
MUDONG MAKASALANAN
Isang kuwentong may pagka tanga ngunit may puso.
Isang kuwentong imahinasyon ngunit may aral.
Isang kuwentong mag sisimula na
5
4
3
2
1
Sino nga ba ako?
Ano nga bang silbi ko sa mundo na ito?
May tagapagligtas ba tayo na sasalo sa lahat ng pagkakamali?
Kung meron, nais ko siyang makilala.
Ngayon na.
Sino ba si SUPERDUPERKADUPERMAN?
"Ms. Avensado, why are you late again?"
Unang pitong salita na naririnig ko sa aking guro. Paano nga naman kasi, pang hapon na nga ang pasok ko ay nahuhuli pa ako sa klase.
Naiintindihan ko naman ang ipinupunto niya ngunit sana'y intindihin niya rin ako.
Wala akong mga magulang na nag-aayos ng lahat ng gamit ko. Wala akong mga kapatid na masasandalan ko sa oras na hindi ko maintindihan ang mga leksyon sa paaralan.
At higit sa lahat, kinakailangan kong kumayod ng husto upang may ipangtustos sa kumukulo kong tiyan at sa pandagdag impormasyon sa aking utak.
Ako nga pala si Elein Avensado, 17 years old, lumaki ako sa Paco Manila at nasa ikatlong taon na ako sa mataas na paaralan. Simple lang ang buhay ko, nagtatrabaho bilang janitress sa bangko at nag-aaral naman sa Man.Sci. kada gabi, nagpapasalamat ako dahil sa iskolar ako. Wala ng masyadong iintindihin sina nanay at tatay sa pag-aaral ko.
Alas singko na ng umaga nang bumangon ako. "Nay! Ano po pwedeng mangata diyan?" Nakalimutan ko maglalaba nga pala si nanay sa kapitbahay. Agad na akong naligo at hindi na rin kumain. Pagpasok ko sa opisina nandoon na rin si Mishel, kapwa ko janitress. "Oh, Mishel musta naman ang dumi d'yan?" "Ano pa bang inaasahan mo Ein-ein, siyempre madamidami pa. Tulungan mo kaya ako?" "Haha! Sige na ako na diyan, linisin mo na lang yung kubets!"
Alas otso na ng umaga nang nagbukas ang bangko. Ordinaryong araw, yun ang akala ko. Pagkalipas ng isang oras may pumasok na grupo ng kabataan. "HOLDAP 'TO!!" Nagulat ang lahat, napayuko at ang iba'y halos atakihin na sa puso. Magkatabi kami ni Mishel, imbis na kabahan ay agad siyang nag-isip ng paraan upang makaligtas kami. "Tatayo ako kapag sumagot na 'to si mang Erning, alam mo namang busy sa istasyon ng pulis ngayon. Pagkatayo ko siguradong ipuputok nila ang baril agad kang humingi ng tulong sa cellphone. Susubukan ko kung hanggang sa'n ang kaya ng reflex ko." "Sigurado ka ba rito?" tugon ko sa plano niya. "Ein-ein isang buhay kapalit ng sa inyong lahat. Ayos na ako dun, atleast mamatay akong super hero." "Mag-ingat ka Mishel."
Sinimulan na ni Mishel i-dial si mang Erning. *kring kring* "Ein-ein ready na ha!" "Nasa position na ma'am!" "Ein ayan na sumagot na.." Nataranta ako bigla akong napatayo. "Ein ano ba yang ginagawa mo?" Pumutok ang baril. Walang ibang narinig kundi ang tunong ng ambulansya at wang wang ng pulis mobile.
"Ein?.." umiiyak na bulong ni Mishel. "Ano ka ba yakang yaka 'to, mamatay ka ba sa tama ng baril sa braso? OA mo!" "Bakit ka ba kasi tumayo? 'Di ba dapat ako yun?" "Ano ba naman yan, kung ikaw yung tumayo siguradong patay ka na ngayon, mas mabilis yata reflex ko!"
Ang totoo, kaya ko nagawa yun eh sa kadahilanang ayaw kong may ibang masasaktan para sa akin. Lalo na si Mishel, siya lang kasi yung taong nakatanggap sa kung sino ako, siya lang yung natatakbuhan ko kapag pagod na pagod na ako at kailangan ko na ng balikat na mapapahingahan.
Nailigtas ko ang dalwampu't tatlong tao sa loob ng bangko kapalit ng isang braso ko. Mabuti na nga lang eh ang kaliwa ang naputol. Ilang linggo akong lumiban sa klase at sa bangko ngunit dahil sa "kabayanihang" naipakita ko ay sumisweldo pa rin ako.
Lumipas pa ang ilang araw, nakapasok na muli ako sa Man.Sci. Nakalimutan ko MTAP na pala. Ang MTAP ang tanging pag-asa ko upang maipagpatuloy ang pag-aaral ko. Ito na lang ang tanging tulay upang ipagpatuloy ng paaralan ang iskolarship ko.
"I'm sorry Ms. Avensado ngunit nahuli ka na. Nagsimula na ang training. At ikinalulungkot ko rin na pinutol na ng eskwelahang ito ang iskolarship mo. I'm afraid you'd not be able to finish your 3rd year Ms. Avensado. I'm sorry."
Gumuho ang mundo ko. Ito ba ang kapalit ng pagligtas ko sa dalawampu't tatlong buhay?
Ito ba ang kabayaran sa pagsagip ko at sa paglaban ko sa mga taong makasalanan?
Naging desperado na ako.
Naglayas.
Ayaw ng balikan ang lahat.
Hanggang sa nakilala ko si Jayme.
Iang mayamang promdi.
Ibinalik niya ko sa pag-aaral hanggang makatapos ako ng kolehiyo. Nagkaroon ng negosyo. Umasenso. Ngunit hindi na kilala ang sarili at ang tao sa nakalipas. Siguro nga may mga bagay ka talagang kailangan bitawan upang gumaan ka't makalipad. Maaring nabitawan ko sila sa maling paraan ngunit alam ko sa sarili ko nabitawan ko sila ngunit 'di pa rin napapakawalan.
Nabuo ang pag-iibigan sa pagitan namin ni Jayme.
Dumating ang oras ng kasal namin.
"Jayme Jouacqino, tinatanggap mo ba si Elein Avensado bilang......"
Puro sigaw ang sumunod na narinig, may pumasok pala sa simbahang lalaking may dalang baril.
Nakita ko siyang pumosisyon upang barilin si Jayme. Agad akong humarang. Tumama ang bala sa dibdib ko. "Ein, 'wag kang bibitaw.." "Jayme, kilala mo ba siya?" "Ein, sa kanya galing lahat ng pera ko. Drug pusher ako pero noong nakilala kita gusto ko na magbagong buhay. Hindi ako nakapag-aral at 'di rin ako likas sa buhay mayaman, nais ko sana ipagtapat ang lahat pagtapos ng kasal..." "Jayme, mahal na mahal kita. Ngunit sa mga nalaman ko, may napagtanto ako. Alam ko na kung bakit kailangan ko ng bumitaw. Kinukuha niya na ako at nagpapasalamat ako siguro ito ang paraan niya upang iligtas ako, sa mundong makasalanan."
"Ein, sa dalawang beses na ibinigay mo ang buhay mo para sa ibang tao, ikaw ang nag-iisang superduperkaduperwoman ko. Patawad kung hindi ko nagampanan ang pagiging superduperkaduperman ko. Mahal na mahal kita at ipagpapatuloy ko ang pag babago na sinimulan mo sa buhay ko."