tuloy po kayo. :)

hello!
annyeong!
kumusta?

ito ang tahanan ko sa "cyber world."

una sa lahat, nais kong ipaalam na ginawa ko itong "blog" na ito dahil:

1.) Isa ito sa mga kakailanganin ko upang ako ay makapagtapos.
2.)Para kay G. Yuan Anot na guro ko sa Filipino.
3.)Para magkaroon ng mataas na marka.
at ang huli,
upang maibahagi ko ang isang parte ng buhay ko sa inyo.

sa mga mambabasa at natutuwa sa gawa ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang humushuga sa isinusulat ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang umuusyoso lamang, SALAMAT.
sa mga mambabasa o sa kung sino man ang dumaan dito, SALAMAT.

maari po kayong mag-"reply" sa bawat artikulong ibabahagi ko, tatanawin ko po itong malaking tulong upang mabago ang istilo ko sa pagsusulat. :)

"ORA ET LABORA"
(that in all things God may be glorified)

ito ang pagbabasehan ng mga artikulo ko dito sa blogspot.

noyPi

noyPi
(pindutin ang imahe para sa isa ko pang "blogspot")

at yor serbis! (pindutin ang larawan upang makatungo sa aking mundo)

Wednesday, April 20, 2011

hi!

tapos na ang tungkulin kong panatilihin itong updated, ngunit naging malaking parte ko ang blog na ito.

Siguro sa susunod na mga araw ay maitutuloy ko na ang kumpletong istorya ni LEANNE sa kanyang buhay hayskul :)

(Lord, sana po sipagin ako.)

Thursday, February 24, 2011

ang intrams :))

ang intrams,

ano nga bang ginawa ko bukod sa pagtambay sa gym
ay este sa canteen :))

ohyeah hmmm..

bonding moments pala kami ng mga samurai :))

dahil wala akong ginagawa

gumawa na ko ng promise ko kay kevs :))

ito hahaha


ohyeah :))

yun lang,

hanggang sa muli :D


Sunday, February 20, 2011

ang aking una't huling paalam

ayokong magpaalam,
kaya't sisimulan ko ito sa

HANGGANG SA MULI KAIBIGAN :)

sa totoo lang ay umiiyak na ko bago ko pa simulan ang pagsusulat ko dito. :(
22 araw na lang bakasyon na para sa iba, para sa aming mga SENIORS naman ay 22 araw pa.
kailangan pa naming pahabain ang 22 araw bago kami maghiwahiwalay.

(ohyeah wag kayo maweirdohan kung bakit di pa man ay umiiyak na ko, bago kasi ako gumawa ng kahit anong blog ay naghahanap ako ng mga larawan na maari kong gamitin and yeah \m/ nag return of the comeback ako sa past.)

sisimulan ko sa unang taon ko sa hayskul. :)
(wala akong maibahagi na larawan, pasensya)

I-FLEMING
ms.beck
ms.renee

KAMI ANG CERTIFIED TEACHER'S ENEMY NUMBER 1

Sinusuka ng lahat ng guro ang aming pangkat,
lahat yata ng magulo sa amin napunta ngunit masasabi kong sa amin din naman ang pinakamasaya na seksyon. Bagamat pangit ang tingin sa amin ng mga guro, hindi kami nagpadala dito, pinagpatuloy namin ang aming kakulitan kahit na sawayin. Anong kinalabasan? Natuto kami sa aming mga pagkakamali. Nakatulong ito upang maging matatag ang aming relasyon at higit sa lahat naturuan kami nito na maging mabait hindi para sa iba kung hindi para rin sa aming mga sarili. Minahal ko ang Fleming kasi ito ang naging pundasyon ng bagong ako nang tumungtong ako sa hayskul.

Dito ko rin pala nakilala ang ilan sa mga pinakamalapit na kaibigan ko :)
(ilan sa kanila'y 3 taon kong nakasama sa buhay hayskul ko)
Nais ko silang pasalamatan dahil ni minsan ay hindi nila nilisan ang tabi ko at naging tunay silang tao sa akin. Sila yung tipo ng mga kaibigan na mahihirapan akong paalamanan.

ERIC KURT MALDINGER
maaaring nakilala niyo siya bilang makulit, bibo at pinaka magulong tao sa mundo ngunit sa akin isa siyang kapatid na palaging nandiyan handang sumuporta at handang magpayo sa oras na walang wala kang matakbuhan. hindi ko nanaising baguhin ang kahit na anong pangyayaring aming naranasan, maganda man o hindi. sa lahat ng naging problema ko siya lang yung tao na isang lapit mo lang handa kagad makinig, hindi ka ipagtatabuyan at never akong tinalikuran. lahat yata ng sikreto ko siya lang nakakaalam. sa iilang away na napasali ako sa ann arbor siya lang palagi yung natatakbuhan ko at siya lang rin ang nakakakilala sa akin kahit hindi ako magsalita alam niya kaagad kung anong meron sa akin, mahal na mahal kita kuya kahit binubully mo ko! Salamat sa lahat, sana nandiyan ka pa rin kahit college na tayo. da best kang kapatid.

CARLOS ALDAS REYES II
si kaloy, hmm siya ay walang kwenta, abnormal, loko loko at muntanga, para sa inyo. pero para sa akin dabes bestfriend si kaloy! kahit na nang-iwan siya nung third year hindi pa rin sya nakalimot. isa rin siya sa mga taong sobrang kilala ako, tingin pa lang sa mata alam niya na pag may mali. sa totoo lang hindi ko lubos maisip na magiging matalik na kaibigan ko si charlie dahil sobrang magkaiba ang aming pag-uugali. ako mabait siya naman masama ako tahimik siya napakadaldal pero nung dumating yung oras na kailangang kailangan ko ng kaibigan na masasandalan siya lang yata ang nag-abot ng balikat niya upang aking maiyakan. sa totoo lan isa siya sa mga taong nagpatatag sa akin at nagturo sa akin kung paano magtiwala sa sarili. hinding hindi ko makakaliutan 'di lang ang aming mga kalokohan ngunit maging ang mga panahong umiiyak ako at nakikinig siya at ang mga panahon na ipinagkatiwala niya sa akin ang mga luha niya at mga oras na naglalabasan kami ng sama ng loob. thank you sa lahat kaloy alam mo namang love kita and yung yellow pad moments natin. alam ko namang di ka mawawala ee. :)

(charlie and eric)

JANNA VERNICE RACELIS VILLALON
si janna, kung anong pagkakakilala niyo sa kanya ay ganun din ako. hindi siya nabigong tuparin ang gampanin ng isang kaibigan, handa siyang makinig sa lahat ng pagkakataon. I LOVE YOU JAN >:D<>



itutuloy...



Thursday, February 17, 2011

pagiging guro

oh hello there! :)
konti lang ang aking mga larawan
ngunit sana'y maging sapat na ito
upang mailathala ko sa inyo
kung gaano ko ikinatuwa ang pagkakataon
na ito.

ang maging guro.


magsisimula ako sa isang nakakatawang kuwento
(para sakin)


makikita niyo naman na kasama ko dito si SIR DICKIE :))
alam kong nakakatawa na yung mukha niya pero 'di pa yun yung kuwento ko.

naiwan kasi akong mag-isa, oo, walang kasama :(
hanggang sa nakita ko sina SIR RAVE AT SIR DICKIE at vacant nila nun
nagugutom na ako kaya agad kaming pumunta sa kainan.

ngunit wala akong nais kainin.

habang nag-iikot si Rave sa canteen ay minabuti ko na lamang makipagkodakan kay Jaydee.
Nag timer kami, ngunit habang hinihintay ang pag-*click* ng kamera ay biglang dumating si Rave. Humarap sy sa amin at biglang nagtanong "Bakit kayo ngumingiti sa akin?" at bigla siyang ngumiti. Pagkatapos makuha ang aming larawan ay agad kaming nagtawanan ni Jaydee.

(basta nakakatawa kasi si Rave, iba kapag nandun kayo :)))


Habang bakante ang aking schedule ay nasaktohan ko namang nakatambay ang aming guro na si Sir Chris sa labas sa kadahilanang binabantayan niya ang substitute niya na si Ms. Angel.

Nagkaroon kami ng kaunting usapan tungkol sa pamantasan na nais kong pasukan sa kolehiyo.

Ikinwento ko sa kanya ang balak kong pagpasok sa St. Scholastica's College at agad niyang tinutulan ito. Hindi raw ako dapat sa pamantasan na iyon. Maganda raw ang pamantasan ngunit kadalasan hindi maganda ang kinalalabasan ng mga kababaihan sa pamantasang nabanggit.

Marami pang mga pamantasan ang aming napag-usapan. Nagpapasalamat din ako dahil kahit papaano'y alam ko na marahil ang aking papasukan sa susunod na taon. Salamat Sir Chris. :)

Nga pala inubos ni Sir Chris yung toblerone ko :)) andami niya nakain!! TAKAW SOLID!


si TEACHER AGATHA at SIR RAVE


si TEACHER JERVE at MS. LIM pati si SIR LUIGI

(pasensya na wala akong larawan sa lahat yung iba naman malabo) :(




KARANASAN BILANG GURO

Noon pa man ay alam ko ng hindi madali ang maging isang guro. Kung sa pag-uulat pa nga lang ay hirap na akong makuha ang atensyon ng aking mga kaklase paano pa kaya kung magturo ako sa hindi ko pa ka-"batch."

Unang kong nahawakan ang III-NEWTON
Maingay at magulo ang klase, ngunit sulit naman ang pagsasaway sa kanila dahil nakikinig naman sila at mabilis makasunod sa aralin na aking pinagsasabi.
Mayroon silang pagkakaisa at pag sinabi mong gumawa ng ganitong bagay ay agad nilang sinusunod.
Mahusay ang pangkat nila, at nakikita ko ang PASCAL sa kanilang pangkat.

si SHANNA ang pinaka masipag na estudyante para sa akin.
si GINO ang pinaka makulit.
si ADRIAN naman ang bukod tanging sumagot ng maayos sa aking mga katanungan.

(patawad wala akong larawan :( :| )

:)

Ikalawang klase ko naman ay ang III-EINSTEIN
Makukulit at tila ba sinusubok ang aking pasensya. Ngunit wala naman halos naging problema dahil nakikinig naman sila kahit na nag-iingay sila.

Napansin ko lang sa kanilang pangkat na grupo grupo sila.

Ang unang row ay pinaghahaarian ni CARL at ang reyna ay si ELLA habang si RENZ naman ang kanilang pinagttripan.
Ang ikalawa naman ay tila row para sa magkakaIBIGan, dito nakaupo sina CHEZKA at RAMIZ pati na rin si GABBEEEY at NIKKI.
Sa dulo naman ay naroon ang grupo ni PAIGE, ANDREA at YLO.

sa mga hindi ko nabanggit, pasensya, 'di niyo kasi ako pinapansin habang nagtuturo ako sila lang tuloy ang naalala ko.


ang makukulit na estudyante
(sila lang may picture kasi kinuha ni Carl yung cam ko) :))=))

Huling pangkat ang DALTON

nalungkot ako sa pangkat nila.

Pagpasok ko ay sobrang ingay na nila lalo na sa puwesto ni SAIJAN, SARY at ANTON. Ngunit maya maya ay tumahimik rin naman sila.
Nakakabinging katahimikan, :( tahimik pero walang nakikinig.
Pakiramdam ko'y nasa ibang mundo ako na hindi ako "welcome."
Pero natuwa ako kay SARY :))
sinalubong niya ko sa mga corny niyang jokes.

ayun lang wala na ko masabi. :)

MASAYA NGUNIT NAKAKAPAGOD,
MAHIRAP AT MASAKIT SA LIKOD.
ka stress :))

yun lang sa ngayon
hanggang sa muli :)







Tuesday, February 15, 2011

JS promenade 2011






eksaktong 38 araw na lang
graduation na
:)

pero may isa akong araw sa buong buhay ko ang hindi ko malilimutan :)

ang aming PROM :)

ang paghahanda!

Habang abala na ang lahat sa pagpapaganda, eto ako sa bahay walang pakielam nanunuod ng telebisyon at naghihintay ng oras kung kailan sisipagin at magsimula na ring mag-ayos.
Sa aking pagsilip sa ym lahat ay naka afk, brb at prom na ang istatus habang ako naman
"i-chat niyo ako wala akong magawa"
hanggang sa may nag pm sa akin.
"NAG-AAYOS KA NA BA?"
Napatingin ako sa orasan, bakit ako mag-aayos eh mayroon pa namang tatlong oras.
Sapat na iyon wala naman kasi ako talagang paghahandang ginawa.
*makalipas ang ilang minuto*

LEANNE MALIGO KA NA!!!!
BILISAN MO!!!

naririnig ko na ang malalakas na tinig ng aking kapatid na si matetty.

Para bang mas excited pa siya sa prom kaysa sa akin.
"saglit lang!"
*sabay tulak sa paliguan*
MAGPAPA-AYOS KA PA ANONG SAGLIT LANG!!
wala na nga akong nagawa kundi sumunod sa utos niya.

ala-una na nang dumating ako sa pagupitan.
May dalawang babaeng nakasalang sa upuan na tila nagalit ang babaeng nag-aayos at binuhusan na lang sila ng kolorete sa kanilang mga mukha.
Hindi ko sila nakilala ngunit 'pag lapit ko,
si YLO at CHEZKA pala!
napakagandang mga binibini,
pula ang kuko at hanep sa kulot ang kanilang mga buhok.

*sabay bulong kay nanay*
"ma ayoko dito magpaayos ha, ang kapal ng foundation baka mamanhid ako at di na maramdaman kung nasaan ang mukha ko,"

sige sige naman ang sagot ni nanay.
paayos ka na lang ng buhok lee, agad niyang sinambit.

HABANG INAAYUSAN AY NAGTANONG ANG LALAKI
"hair and make-up?"
hindi po HAIR lang po :)
"eh pero matagal yun magpa make-up ka na rin"
*napilitan*
sige ho wag niyo na lang po akong gawing bakla.
"ako na bahala sa'yo"

anong pakiramdam ng nagpapaayos?
parang isang malaking canvass ang iyong mukha
at sandamakmak na kulay ng pintura ang ipinipinta dito
ngunit ng matapos ay 'di naman ako nagsisi
dahil master piece naman ang kinalabasan.

Marahil nga ay nagpapaganda ang kolorete kahit panandalian lamang,
ngunit sa mga oras na iyon
ang pakiramdam ko nama'y
hindi na ako si LEANNE.
na ibang tao na ang nasa salamin.
hindi ko kinasanayan ang ganung mga bagay, ngunit natuwa ako sa aking pinagbago.
sana'y lahat ng pagbabago ay ganoon na lamang,
lahat maganda,
lahat ikasasaya.
NGUNIT TALIWAS ITO SA TUNAY NA BUHAY,
madalas ang pagbabago ay hindi para sa ikabubuti
kundi ikinasasama.

hindi ko na masyadong idedetalye ang parte na ito, ngunit si CHRISTIAN SOVERANO ay nakasabay ko rin sa pagupitan at sinabihan siya ni mama na "anak ang pogi nito, oh isaway mo yung anak ko mamaya ha, tiyak na prinsipe ka mamaya." at ayun nga nagdilang anghel ang aking ina. tadaaan! prinsipe nga si G. Soverano. :)

MISMONG OKASYON

ang aking "prom date"
(ngayon F.O na kami)


prom, naging masaya ang lahat lalo na noong nagsasayawan na. :)
pero ako naging masaya ako noong nakuha ko ang larawang ito :">
(pagpasensyahan ang aking mukha si JONG na lang pansinin niyo. :">)


lahat maging ang aming guro ay natuwa :)

lalo na si sir zen na nasayaw sa gilid ng kuhaan ng pagkain :))
nasa gilid lamang siya ngunit todo bigay sa bawat kembot niya :))
(meet my daddy)

at ang party king :))
lumiit siya pramis :))
di kinaya ng height niya yung heels ko :>
(meet my bestfrenemy)

patawad dahil wala akong larawan kasama ang iba pang guro ko. :(
ngunit nais kong makilala ninyo ang mga tunay na kaibigan ko :)
dahil sa kanila ay tunay na naging maligaya ang aking PROM :)
djane lim :) si SHOBSS :">

si alyssa abotanatin a.k.a BANANA :)

ang aking master :) \m/
SAMURAI

marami pang ibang tao ang kumumpleto ng PROM ko
ngunit kung ilalagay ko ang larawan namin dito
baka isipin ninyong scrapbook na ito :)

masyadong madami ngunit alam niyo naman kung sino kayo :)
mahal ko kayo
sobra
galing yan sa isip at puso ko :)
(bihira lang magkatugma ang isip at puso)

sabi nila espesyal daw ang una't huling sayaw kaya ito :)

ang unang nakasayaw ko:
(si raymond yan :] )

ang huling nakasayaw ko :)
(si christian joseph a.k.a bea alonzo)

BAGO KO ITO TAPUSIN MAY NAIS AKONG IPAKILALA SA INYO
:)
ANG PAMILYA KO
:'( mahal na mahal ko sila at hindi ko ipagpapalit ang mga sandaling nagtawanan kami.
sana sa kolehiyo'y manatili silang mga anak at apo ko :)


nais ko silang ipakilala :)

(left-right)

RUEL
CELINA (si Celina yung apo ko kay Agatha at asawa niya si Ruel) :))
THEA (anak ko, walang asawa :)) single but the heart is taken by killer smile)
*magaling magsulat at maganda (mana sa parents)
*sa kanya galing ang larawan na ito
AKO
JONG (ama ng mga anak ko :">)
*pinakapoging asawa
*matalino
*ngunit TAKSIL :)))
LUIGI
AGATHA (si Agatha yung anak ko at asawa niya si Luigi)
*magaling magdrawing
*magaling kumuha ng larawan
*maganda
(mana sa magulang niya :]]])
LORENZO
JANNA (si Janna ay anak ni Agatha, sa makatuwid apo ko siya at asawa niya si Lorenzo)

'di pa yan lahat :) sobrang malaki yung pamilya namin :)

mamimiss ko silang lahat :"> :'(

nga pala kung nagtataka kayo ano nangyari sa akin pagkatapos nung prom, kumain lang ako ng crepe :))

ito siya oh!


at diyan nagtatapos ang isang makasaysayang gabi ng buhay ko! :)


maraming salamat sa pagbabasa!

hanggang sa muli,

-LEE-














Tuesday, February 8, 2011

unang pag-ibig

PAANO NGA BA KAMI NAGSIMULA?
paano nga ba nagsimula ang aking tinatawag na
"unang pag-ibig"

nagsimula kami sa DOTA :)
oo sa dota!

adik kasi sa dota mga tao nun :))
so nakipagpustahan ako

"PAG NAKAYA MO HINDI MAGDOTA PWEDE KA NA MANLIGAW"

:))

ayan kaya ayaw ko nakikipagpustahan lagi akong talo.

kasama ng impluwensya ng kaibigan ayy ayun nagkatuluyan na nga.

naging masaya naman ako at lab ko sya talaga (wag na natin idetalye)

yooon sa mga nakakakilala samin alam niyo naman na WESTMONT ang tambayan natin nun.

basta yun na yun.

hmm .. . .

ayos nung kami kasi

-- HINDI SIYA NANINIGARILYO
--HINDI UMIINOM
at
--HINDI NAGDODOTA

nakakalungkot lang eh nung naghiwalay kami
napabayaan niya nanaman ang sarili niya.

magkaibigan kami
pero wag na natin ipilit ang wala na talaga :)
masaya na ako na kaibigan ko siya

pero sana talaga
SANA MAKINIG SIYA SAKIN

wag ka na manigarilyo please lang
kung gusto mo mamatay ng maaga
mag suicide ka na lang. :(

sayang baga mo eh!

ayun lang yun. :)
'til next time :)

-LEE <3

hindi makakalimutang guro? marami ako niyan. :)

sa mababang paaralan.





SI TEACHER GINA ESPORLAS <3
sa lahat ng naging guro ko si t.Gina ang masasabi kong tunay na naging ikalawang ina ko.
hanggang ngayon ay binabalikan ko pa rin siya sa grade school department.
magkakilala nga sila ni mama eh!
pareho kasi silang kapampangan at pareho nila akong anak.
Siya ang naging unang gabay ko nang pumasok ako ng paaralan.
NAGPANGARAL, NAGTURO AT NAGMAHAL SA AKIN
ng buong buo.

Isa siya sa mga humubog ng pagkatao at isa sa mga dahilan kung bakit si LEANNE ako ngayon. :)

natutuwa ako kasi sa tuwing binabalikan ko siya sa kabilang departamento ay lagi niyang sinasabi na "wala ng estudyanteng kagaya nito(ko) ngayon, yung tipong teacher's pet" :"> ang ganda ganda ko daw! siyempre nay kanino pa ba magmamana? :)

MAHAL NA MAHAL KITA NANAY >:D<
sana mabasa mo 'to :">



MS . ARLENE

mapanlinlang na tingin.

titingin sayo ngunit iba ang tatawagin yan ang tatak niya.
da best siyang talaga.

I LOVES YOU MS. A



sa mataas na paaralan.

MEIMEI JULIE

si meimei julie. :) wala akong masabi kundi NANAY NA, ATE PA, TEACHER AT LAHAT LAHAT NA. :)

sobrang dami kong natutuhan sa kanya. :)

nagturo na ng FILIPINO
nagturo na ng MATH
nagturo na ng TLE
nagturo pa ng CHEMISTRY

sobrang nagpapasalamat ako kay meimei kasi hindi niya ako pinabayaan mapunta sa
di tuwid na daan at lagi siyang nandiyan upang sumuporta.
Nagpapasalamat din ako kasi kahit anong maging problema
ay lagi niya akong napapayuhan.

MAHAL NA MAHAL KITA MEIMEI <3
sana rin mabasa mo 'toh :> :*


si SIR/KUYA YUAN :)

pambihira.
isa sa pinaka naging malaking impluwensya sa akin.
lalo na sa pagsusulat.

iniidolo ko sa lahat ng bagay
(maliban na lang 'pag tungkol sa pag-ibig)

isa sa mga taong hindi ko kayang paglihiman :))
masyado niya akong kilala.

bukod sa pagiging "IN" na guro
eh da best din siya na kapatid

lahat na ng payo ibibigay niya sa'yo ang da best na gawin ay sundin na lang ang payo niya.

MARAMING SALAMAT KUYA >:D< aylalalabyu


SIR CHRIStopher

wajajajajaja. SI SIR CHRIS ang dakilang STAT TEACHER :))
terror sa statistics toh
wala kang assignment? kumuha ka na ng 5 yellow pad at maghanda ng 3 ballpen na ittape.
:)) yan si sir chris buong darwin di makauwi dahil sa pambihirang yellow pad na yan.
syempre nagtutulungan kasi kami nun.

ewan ko ba :)) lagi akong inaaway nito sama sama eh :))
pero weeeh sobrang da best kausap
paano 'di nauubusan ng kuwento :))

SALAMAT SA LAHAT (mabait pa description ko dyan ah!) aylalalabyuu
sana mabasa mo ;) :))
para kahit minsan masabi mo
bait naman ni LEE :))
KAHIT MINSAN LANG :))


si DOC ED
terror na nakakatawa
:))
SINO BA NAMANG MAKAKALIMOT KAY DOC ED?!

wala kang assignment?
LABAS
madumi class room?
TAYO (buong isang oras)
pasaway ka?
PANLALAIT ang sasalubong sa'yo
:))

ewan ko ba, kahit gaano kahirap ang MATH at sandamakmak na CALCULUS
eh may sigla pa rin ang aming klase,
iba talaga si DOC

sabi niya nga eh
"KUNG MASAKIT MAN ANG MGA SINASABI KO, MABUTI NA YUN SA AKIN NINYO NARINIG KAYSA SA IBA. HINDI AKO NANDITO PARA I-PLEASE ANG MGA ESTUDYANTE KO NANDITO AKO PARA MAGTURO SA INYO."

da best :))

aylalalabyuuu DOC ED thank you :)
alam niyo naman po kung ano kayo sa'kin nasabi ko na nung retreat :>


si TATAY :)) SIR FELIX
maiksi lang toh ha!

pag mainit ulo ni tatay
*bagsak ng table*
TUMAYO KA SA UPUAN!!
LUMABAS KA!!

:)) yan lang maririnig mo sa kanya

dati ay mayroon soyang dakilang pito
ngayon wala na
iba na kasi P.E teachers
boo
mas gusto ko si tatay <3

aylabyuuu tay :) salamat po sa lahat.


SIR ANDREW
magaling magturo walang duda. :)

pero kaya hindi ko siya makakalimutan ay dahil sa kalokohan nina JASON AT JEAKEN.

noong second year kami ay nagsuot si sir andrew ng polo at naka botones ito hanggang leeg.
nagulat na lang kami ng kinuha ni JEAKEN ang kamay ni JASON at umawit ng

ama namin...

(mga loko loko)

nagalit si sir andrew at sinabing

"IT SEEMS LIKE MY CLOTHES ARE VERY CONTROVERSIAL, DO I LOOK LIKE A PRIEST"

oh! ano napala nila? ANECDOTAL RECORD :))

yan !

aylalalabyuu sirr andreew


MS. ADONA

pinaka mgaling na biology teacher :)
i miss you ms!

si mohammad at charlie ba un?
ung bones at internal organs?

I LOVES YUUU >:D<

SIR ZEN

daddy.

wala na kong masabi :>

basta MABAIT NA TERROR siya yun. :))

lahat naman ay hindi ko makakalimutan ngunit ang mga guro na ito'y sadyang tumatak sa isip puso at pagkatao ko. :)

MAHAL KO LAHAT NG GURO KO >:DDDD<







Sunday, February 6, 2011

balik tanaw

babalikan ko ang unang pag-ibig. sa madaling panahon. :)

tropeo ,para sa kanya ito

noong nakaraang taon ay nakaramdam ako ng pamilya
sa pamamagitan ng aking guro at ng aking mga kaklase. :)

nagkaroon kami nuon ng "CL DANCE"

sasayaw ka hindi para manalo kundi para sa kanya. :)

naghirap at nagpawis ka kami sa pag-eensayo,
kinakabahan sa tuwing sasabihin ng guro "Dalton ang ganda nung sa 4th year."

Pero hindi ito naging hadlang upang maging mas matatag pa kami at lalo pang pagbutihan ang aming ginagawa. :)

Nagpatahi kami ng t-shirt kulay byoleta. "Jesus you are the saviour of my soul."
Tunay nga namang siya talaga.

At pagdating ng sayaw namin,
parang nadiyan lang siya at di kami pinabayaan.

SALAMAT PO!

Ang pagkapanalo namin sa sayaw na iyon ay hindi para sa amin, PARA SA KANYA YUN.

Nagbunga lahat ng hirap dahil hindi kami sumayaw dahil lang sa wala,
sumayaw kami para sa kanya.

At ang "da best" lang ang puwede niyang matanggap. :)

Tuesday, January 25, 2011

unang pasilip sa lihim na pag-ibig

1st year highschool,
namulat sa lahat.

2nd year highschool.
'Di inaasahan,
walang kaalam-alam.

3rd year highschool,
walang pinuntahan.

4th year highschool,
nasaktan nanaman.




Wala naman talaga akong alam diyan sa pag-ibig na yan. Nagulat na nga lang ako sa pagtungtong ko ng hayskul ay biglang nagkarelasyon na ang mga kaibigan ko. "Ano ba meron diyan?" "Anong feeling?" "Anong mga ginagawa ng magkasintahan?" "Weird, 'di ko naman kailangan niyan ee."

hanggang mag 2nd year

nagbigay kulay sa buhay
ang babaeng kumikinang sa aking paningin
napakaganda niyang tunay
siya ang aking dalangin

--ELLIS--
(pindutin upang makilala siya) ;)
paunang sulyap lamang po. :)






patikim sa SUSUNOD NA KUWENTO.

"Collide"

The dawn is breaking
A light shining through
You're barely waking
And I'm tangled up in you
Yeah

I'm open, you're closed
Where I follow, you'll go
I worry I won't see your face
Light up again

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills my mind
I somehow find
You and I collide

I'm quiet you know
You make a first impression
I've found I'm scared to know I'm always on your mind

Even the best fall down sometimes
Even the stars refuse to shine
Out of the back you fall in time
I somehow find
You and I collide

Don't stop here
I lost my place
I'm close behind

Even the best fall down sometimes
Even the wrong words seem to rhyme
Out of the doubt that fills your mind
You finally find
You and I collide

You finally find
You and I collide
You finally find
You and I collide

ano nga ba ang unang pag-ibig at paano ka nito kayang baguhin?


Monday, January 24, 2011

mundong makasalanan

hi Sir Yuan!! ito na pala yung final na unang post ko. :) yippie! sorry kung madaming nauna na post =)
MUDONG MAKASALANAN

Isang kuwentong may pagka tanga ngunit may puso.
Isang kuwentong imahinasyon ngunit may aral.
Isang kuwentong mag sisimula na
5
4
3
2
1

Sino nga ba ako?
Ano nga bang silbi ko sa mundo na ito?

May tagapagligtas ba tayo na sasalo sa lahat ng pagkakamali?
Kung meron, nais ko siyang makilala.

Ngayon na.

Sino ba si SUPERDUPERKADUPERMAN?

"Ms. Avensado, why are you late again?"
Unang pitong salita na naririnig ko sa aking guro. Paano nga naman kasi, pang hapon na nga ang pasok ko ay nahuhuli pa ako sa klase.
Naiintindihan ko naman ang ipinupunto niya ngunit sana'y intindihin niya rin ako.
Wala akong mga magulang na nag-aayos ng lahat ng gamit ko. Wala akong mga kapatid na masasandalan ko sa oras na hindi ko maintindihan ang mga leksyon sa paaralan.
At higit sa lahat, kinakailangan kong kumayod ng husto upang may ipangtustos sa kumukulo kong tiyan at sa pandagdag impormasyon sa aking utak.

Ako nga pala si Elein Avensado, 17 years old, lumaki ako sa Paco Manila at nasa ikatlong taon na ako sa mataas na paaralan. Simple lang ang buhay ko, nagtatrabaho bilang janitress sa bangko at nag-aaral naman sa Man.Sci. kada gabi, nagpapasalamat ako dahil sa iskolar ako. Wala ng masyadong iintindihin sina nanay at tatay sa pag-aaral ko.

Alas singko na ng umaga nang bumangon ako. "Nay! Ano po pwedeng mangata diyan?" Nakalimutan ko maglalaba nga pala si nanay sa kapitbahay. Agad na akong naligo at hindi na rin kumain. Pagpasok ko sa opisina nandoon na rin si Mishel, kapwa ko janitress. "Oh, Mishel musta naman ang dumi d'yan?" "Ano pa bang inaasahan mo Ein-ein, siyempre madamidami pa. Tulungan mo kaya ako?" "Haha! Sige na ako na diyan, linisin mo na lang yung kubets!"

Alas otso na ng umaga nang nagbukas ang bangko. Ordinaryong araw, yun ang akala ko. Pagkalipas ng isang oras may pumasok na grupo ng kabataan. "HOLDAP 'TO!!" Nagulat ang lahat, napayuko at ang iba'y halos atakihin na sa puso. Magkatabi kami ni Mishel, imbis na kabahan ay agad siyang nag-isip ng paraan upang makaligtas kami. "Tatayo ako kapag sumagot na 'to si mang Erning, alam mo namang busy sa istasyon ng pulis ngayon. Pagkatayo ko siguradong ipuputok nila ang baril agad kang humingi ng tulong sa cellphone. Susubukan ko kung hanggang sa'n ang kaya ng reflex ko." "Sigurado ka ba rito?" tugon ko sa plano niya. "Ein-ein isang buhay kapalit ng sa inyong lahat. Ayos na ako dun, atleast mamatay akong super hero." "Mag-ingat ka Mishel."

Sinimulan na ni Mishel i-dial si mang Erning. *kring kring* "Ein-ein ready na ha!" "Nasa position na ma'am!" "Ein ayan na sumagot na.." Nataranta ako bigla akong napatayo. "Ein ano ba yang ginagawa mo?" Pumutok ang baril. Walang ibang narinig kundi ang tunong ng ambulansya at wang wang ng pulis mobile.

"Ein?.." umiiyak na bulong ni Mishel. "Ano ka ba yakang yaka 'to, mamatay ka ba sa tama ng baril sa braso? OA mo!" "Bakit ka ba kasi tumayo? 'Di ba dapat ako yun?" "Ano ba naman yan, kung ikaw yung tumayo siguradong patay ka na ngayon, mas mabilis yata reflex ko!"
Ang totoo, kaya ko nagawa yun eh sa kadahilanang ayaw kong may ibang masasaktan para sa akin. Lalo na si Mishel, siya lang kasi yung taong nakatanggap sa kung sino ako, siya lang yung natatakbuhan ko kapag pagod na pagod na ako at kailangan ko na ng balikat na mapapahingahan.

Nailigtas ko ang dalwampu't tatlong tao sa loob ng bangko kapalit ng isang braso ko. Mabuti na nga lang eh ang kaliwa ang naputol. Ilang linggo akong lumiban sa klase at sa bangko ngunit dahil sa "kabayanihang" naipakita ko ay sumisweldo pa rin ako.

Lumipas pa ang ilang araw, nakapasok na muli ako sa Man.Sci. Nakalimutan ko MTAP na pala. Ang MTAP ang tanging pag-asa ko upang maipagpatuloy ang pag-aaral ko. Ito na lang ang tanging tulay upang ipagpatuloy ng paaralan ang iskolarship ko.

"I'm sorry Ms. Avensado ngunit nahuli ka na. Nagsimula na ang training. At ikinalulungkot ko rin na pinutol na ng eskwelahang ito ang iskolarship mo. I'm afraid you'd not be able to finish your 3rd year Ms. Avensado. I'm sorry."

Gumuho ang mundo ko. Ito ba ang kapalit ng pagligtas ko sa dalawampu't tatlong buhay?
Ito ba ang kabayaran sa pagsagip ko at sa paglaban ko sa mga taong makasalanan?

Naging desperado na ako.

Naglayas.

Ayaw ng balikan ang lahat.

Hanggang sa nakilala ko si Jayme.

Iang mayamang promdi.

Ibinalik niya ko sa pag-aaral hanggang makatapos ako ng kolehiyo. Nagkaroon ng negosyo. Umasenso. Ngunit hindi na kilala ang sarili at ang tao sa nakalipas. Siguro nga may mga bagay ka talagang kailangan bitawan upang gumaan ka't makalipad. Maaring nabitawan ko sila sa maling paraan ngunit alam ko sa sarili ko nabitawan ko sila ngunit 'di pa rin napapakawalan.

Nabuo ang pag-iibigan sa pagitan namin ni Jayme.

Dumating ang oras ng kasal namin.

"Jayme Jouacqino, tinatanggap mo ba si Elein Avensado bilang......"

Puro sigaw ang sumunod na narinig, may pumasok pala sa simbahang lalaking may dalang baril.
Nakita ko siyang pumosisyon upang barilin si Jayme. Agad akong humarang. Tumama ang bala sa dibdib ko. "Ein, 'wag kang bibitaw.." "Jayme, kilala mo ba siya?" "Ein, sa kanya galing lahat ng pera ko. Drug pusher ako pero noong nakilala kita gusto ko na magbagong buhay. Hindi ako nakapag-aral at 'di rin ako likas sa buhay mayaman, nais ko sana ipagtapat ang lahat pagtapos ng kasal..." "Jayme, mahal na mahal kita. Ngunit sa mga nalaman ko, may napagtanto ako. Alam ko na kung bakit kailangan ko ng bumitaw. Kinukuha niya na ako at nagpapasalamat ako siguro ito ang paraan niya upang iligtas ako, sa mundong makasalanan."

"Ein, sa dalawang beses na ibinigay mo ang buhay mo para sa ibang tao, ikaw ang nag-iisang superduperkaduperwoman ko. Patawad kung hindi ko nagampanan ang pagiging superduperkaduperman ko. Mahal na mahal kita at ipagpapatuloy ko ang pag babago na sinimulan mo sa buhay ko."









Saturday, January 22, 2011

hmm

anong pakiramdam ng katulad ko

sa pamilya

masaya kasi lagi silang nandiyan para sayo.
kahit ilang pagkakamali mo pa, ituwid at itutuwid nila para sayo.
pag nalulungkot ka may makakapitan.
pag walang makaintindi sayo may masusumpungan.

pero pag napasok na ang salitang "expectations"
diyan ako nalulungkot
masyadong mataas
natatakot ako na baka

hindi ko maabot.




sa kaibigan

masaya kasi may nakakaintindi sa'yo.
pag di masabi sa pamilya may mapagbubugahan pang isa.
PAG PILIT KANG TINUTUMBA NG LAHAT, HINDI LANG BASTA BASTA SUMASALO, IAANGAT KA PA.

ngunit pag tungkol sa pagpapakatotoo
hindi ka sigurado

maaring kaibigan pag nakaharap
ngunit ahas na pag talikod




buhay nga naman 'di pwedeng nasa itaas.
dapat marunong kang tumanggap.



kapag tinapakan ka,
bangon ka tapos ipahid mo sa kanila yung putik na iniwan nila sa'yo.
kapag pilit kang ibinababa
wag ka lang basta tumayo
lumipad ka,
at ipakita sa kanila na
hindi ka basta basta nagpapatalo
at hindi mo papantayan ang kababawan nila.
dahil isa kang tao
na AANGAT SA KANILA.

Unang Sulat (unang bahagi ng kuwento)

bago ko balikan ang sinusundan kong "10 day challenge" ay susulat na ako nang isang kuwento upang matuwa si G.Yuan at magka grado ako pag ipinasa ko ang blog na ito sa lunes.

inspirasyon para sa kuwento :

pelikulang: "ONE MORE CHANCE" at PAANO NA KAYA?

May Pagkakataon Pa Kaya Bukas?

"Apat na taon na akong naging sunud-sunuran sa'yo Fael!!
apat na taon na tayong naglolokohan.
Sakal na sakal na ko."

Tama ba ang mga salitang binitiwan ko?
Ano nga bang masama? Sinabi ko lang naman ang katotohanan.

"Oh! Rina, nakatunganga ka pa diyan kasal ko na! Si Fael pa rin ba nasa isip mo?"
Nagulat ako kay Ysay, ang bestfriend ko.
"Sige na Ysay, susunod na 'ko masyado ka namang atat eh!"

Dumating na kami sa simbahan at lahat ng tao'y naghihintay sa paglabas ni Ysay sa sasakyan.

Maging ako'y naghihintay na rin.

Ngunit nawala ang lahat ng inip ko nang may makita ako.

Si Fael, siya ang ... "best man."

Nataranta ako at hindi ko na alam ang gagawin. Lumingon ako ulit at nakita kong naglalakad na siya patungo sa akin. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko ngayon.

Sa wakas lumabas na si Ysay sa karwahe, agad ko siyang nilapitan at simpleng lumingon sa likod. Nandun na siya papalapit kay Jom, ang mapapang-asawa ni Ysay.

"Ysay okay ka lang ba?"
"Naman! Eh ikaw Rina?"
"Alam mo ang lahat ng 'to no?"
"Magsisimula na ang kasal ko pumila ka na."
"'Di pa tayo tapos, mag-uusap tayo sa bahay."

Para ko ng kapatid si Ysay, isang bahay lang ang tinutuluyan namin.
Masaya na ako dahil nahanap niya na ang pang matagalang kaligayahan niya sa katauhan ni Jom.

Natapos na ang seremonyas ng kasal at ihahagis na ni Ysay ang bulaklak niya.
Lahat ng kababaiha'y naghihintay na.
Tinulak ako ni Jom sa pila, wala akong nagawa.

Parang sukat ang lahat. Ang daya.
Pagtayong pagtayo ko sa pinagtulakan ni Jom sa akin ay bumagsak din ang bulaklak sa aking mga kamay.
Nagpalakpakan ang mga tao wala akong nagawa kundi ngumiti.

Agad na akong naglakad papuntang sasakyan patungo sa pagdadausan ng handaan nina Ysay at Jom.

Kumain muna lahat ng mga bisita at pagkatapos ay agad nagsimula ang mga palaro.

Syempre nauna na ang "garter game" na hindi na nawala. Si Fael ang nanalo.
"Pa'no mananalo yang ibang mga lalaki eh ni hindi halos kumikilos."
bulong ko sa sarili.

Bigla akong nagulat nang tinawag ang pangalan ko.

"Rina, please come up on stage."

Agad naman akong sumunod, pina-upo ako at biglang lumapit si Fael.

Naloko na, mukhang planado ng mag-asawa.

Ako ang nakakuha ng bulaklak,
si Fael sa garter.

Ganun pala yun, dahil sa ako ang nakasalo ng bulaklak ako ang paglalagyan ng garter na nasalo naman ni Fael.

"Lagot ka talaga sa'kin pag-uwi Ysay," bulong ko sa sarili.

"May sinasabi ka ba sakin, love?"
"Tigilan mo ko Fael, matagal na tayong wala."
"Rina, manhid mo naman ee. Mahal pa rin kasi kita."




...itutuloy...

swirleeicescramble.blogspot.com

mangangalahati na ako sa "10 day challenge" na sinusundan ko. :)

nais ko lang ipagpaumanhin kung naiinis na kayo dahil sa bawat larawan ay may "link" ng blogspot ko. (kaya siya may ganyan kasi yung mga pics ay pinaghirapan kong i-"edit" ayoko lang na may gagamit tapos mawawalan ng "credits.") salamat sa pag intindi. ;)

IKAAPAT NA ARAW -- AKLAT






KAPITAN SINO bob ong
-- ang gawa ni Bob Ong ay mabenta dahil
1.) misteryoso ang nagsulat
2.) magaan basahin
3.) maiksi
at higit sa lahat
4.) in sa kabataan

ang KAPITAN SINO ang unang aklat ni Bob Ong na nagustuhan ko. naiyak ako at natawa sa ilang parte nito.

ikaw ba'y isang superhero?

lumilipad walang pakpak
nagtatanggol kahit na nasasapak
namatay para sa nakararami
lumalaban kahit naapi.



BABAENG MISTERYOSA AT LALAKI SA DILIM


benta sa'kin si Benjamin Pascual dahil:

1.) nakapagtataka ang mga aklat niya.
2.) laging misteryoso ang mga karakter.
at higit sa lahat
3.) nakakaakit ang disenyo ng kanyang mga libro.

ang LALAKI SA DILIM AT BABAENG MISTERYOSA ay dalawang magandang aklat dahil hindi mo aasahan ang mga magiging tagpo, magaan lang basahin at magmamadali kang tapusin kaagad ang kuwento.

misteryoso nga ba ang ano?

ang buhay ay isang misteryo
iba't iba ang dala nitong delubyo
kailangan lang natin matuto
sa mga aral na hatid nito.

PARA KAY B

bumenta ang nobela ni Ricky Lee sa akin dahil:

1.) para sa kabataan ang anumang tungkol sa pag-ibig ay kanais nais basahin.
2.) iba't ibang aral ang ituturo nito sa'yo.
3.) napakahusay ng pagkasulat kahit may mga bahaging nakakagulo ng utak.
at higit sa lahat
4.) may Lee yung pangalan niya.

ang nobelang PARA KAY B ay dapat natin ipagmalaki. orihinal ang teksto at pupunuin ng impormasyon ang utak at puso mo. makakahanap ka ng ispirasyon sa bawat tauhan (lalo na kina Jorda at Irene) mahusay! kudos! kay Ricky LEE

pag-ibig na nakakakilig!

walang nararamdaman
imposibleng mangyari kailanman
ngunit 'pag ang tadhana ang nagdikta
lahat ng "invisible" nakikita.