tapos na ang tungkulin kong panatilihin itong updated, ngunit naging malaking parte ko ang blog na ito.
Siguro sa susunod na mga araw ay maitutuloy ko na ang kumpletong istorya ni LEANNE sa kanyang buhay hayskul :)
(Lord, sana po sipagin ako.)
superduperkaduperman
tuloy po kayo. :)
hello!
annyeong!
kumusta?
ito ang tahanan ko sa "cyber world."
una sa lahat, nais kong ipaalam na ginawa ko itong "blog" na ito dahil:
1.) Isa ito sa mga kakailanganin ko upang ako ay makapagtapos.
2.)Para kay G. Yuan Anot na guro ko sa Filipino.
3.)Para magkaroon ng mataas na marka.
at ang huli,
upang maibahagi ko ang isang parte ng buhay ko sa inyo.
sa mga mambabasa at natutuwa sa gawa ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang humushuga sa isinusulat ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang umuusyoso lamang, SALAMAT.
sa mga mambabasa o sa kung sino man ang dumaan dito, SALAMAT.
maari po kayong mag-"reply" sa bawat artikulong ibabahagi ko, tatanawin ko po itong malaking tulong upang mabago ang istilo ko sa pagsusulat. :)
"ORA ET LABORA"
(that in all things God may be glorified)
Wednesday, April 20, 2011
Thursday, February 24, 2011
ang intrams :))
ang intrams,
ano nga bang ginawa ko bukod sa pagtamb
ay sa gym
ay sa gym ay este sa canteen :))
ohyeah hmmm..
bonding moments pala kami ng mga samurai :))
dahil wala akong ginagawa
gumawa na ko ng promise ko kay kevs :))
ito hahaha
ohyeah :))
yun lang,
hanggang sa muli :D
Sunday, February 20, 2011
ang aking una't huling paalam
ayokong magpaalam,
kaya't sisimulan ko ito sa
HANGGANG SA MULI KAIBIGAN :)
sa totoo lang ay umiiyak na ko bago ko pa simulan ang pagsusulat ko dito. :(
22 araw na lang bakasyon na para sa iba, para sa aming mga SENIORS naman ay 22 araw pa.
kailangan pa naming pahabain ang 22 araw bago kami maghiwahiwalay.
(ohyeah wag kayo maweirdohan kung bakit di pa man ay umiiyak na ko, bago kasi ako gumawa ng kahit anong blog ay naghahanap ako ng mga larawan na maari kong gamitin and yeah \m/ nag return of the comeback ako sa past.)
sisimulan ko sa unang taon ko sa hayskul. :)
(wala akong maibahagi na larawan, pasensya)
I-FLEMING
ms.beck
ms.renee
KAMI ANG CERTIFIED TEACHER'S ENEMY NUMBER 1
Sinusuka ng lahat ng guro ang aming pangkat,
lahat yata ng magulo sa amin napunta ngunit masasabi kong sa amin din naman ang pinakamasaya na seksyon. Bagamat pangit ang tingin sa amin ng mga guro, hindi kami nagpadala dito, pinagpatuloy namin ang aming kakulitan kahit na sawayin. Anong kinalabasan? Natuto kami sa aming mga pagkakamali. Nakatulong ito upang maging matatag ang aming relasyon at higit sa lahat naturuan kami nito na maging mabait hindi para sa iba kung hindi para rin sa aming mga sarili. Minahal ko ang Fleming kasi ito ang naging pundasyon ng bagong ako nang tumungtong ako sa hayskul.
Dito ko rin pala nakilala ang ilan sa mga pinakamalapit na kaibigan ko :)
(ilan sa kanila'y 3 taon kong nakasama sa buhay hayskul ko)
Nais ko silang pasalamatan dahil ni minsan ay hindi nila nilisan ang tabi ko at naging tunay silang tao sa akin. Sila yung tipo ng mga kaibigan na mahihirapan akong paalamanan.
ERIC KURT MALDINGER
maaaring nakilala niyo siya bilang makulit, bibo at pinaka magulong tao sa mundo ngunit sa akin isa siyang kapatid na palaging nandiyan handang sumuporta at handang magpayo sa oras na walang wala kang matakbuhan. hindi ko nanaising baguhin ang kahit na anong pangyayaring aming naranasan, maganda man o hindi. sa lahat ng naging problema ko siya lang yung tao na isang lapit mo lang handa kagad makinig, hindi ka ipagtatabuyan at never akong tinalikuran. lahat yata ng sikreto ko siya lang nakakaalam. sa iilang away na napasali ako sa ann arbor siya lang palagi yung natatakbuhan ko at siya lang rin ang nakakakilala sa akin kahit hindi ako magsalita alam niya kaagad kung anong meron sa akin, mahal na mahal kita kuya kahit binubully mo ko! Salamat sa lahat, sana nandiyan ka pa rin kahit college na tayo. da best kang kapatid.
CARLOS ALDAS REYES II
si kaloy, hmm siya ay walang kwenta, abnormal, loko loko at muntanga, para sa inyo. pero para sa akin dabes bestfriend si kaloy! kahit na nang-iwan siya nung third year hindi pa rin sya nakalimot. isa rin siya sa mga taong sobrang kilala ako, tingin pa lang sa mata alam niya na pag may mali. sa totoo lang hindi ko lubos maisip na magiging matalik na kaibigan ko si charlie dahil sobrang magkaiba ang aming pag-uugali. ako mabait siya naman masama ako tahimik siya napakadaldal pero nung dumating yung oras na kailangang kailangan ko ng kaibigan na masasandalan siya lang yata ang nag-abot ng balikat niya upang aking maiyakan. sa totoo lan isa siya sa mga taong nagpatatag sa akin at nagturo sa akin kung paano magtiwala sa sarili. hinding hindi ko makakaliutan 'di lang ang aming mga kalokohan ngunit maging ang mga panahong umiiyak ako at nakikinig siya at ang mga panahon na ipinagkatiwala niya sa akin ang mga luha niya at mga oras na naglalabasan kami ng sama ng loob. thank you sa lahat kaloy alam mo namang love kita and yung yellow pad moments natin. alam ko namang di ka mawawala ee. :)
(charlie and eric)
JANNA VERNICE RACELIS VILLALON
si janna, kung anong pagkakakilala niyo sa kanya ay ganun din ako. hindi siya nabigong tuparin ang gampanin ng isang kaibigan, handa siyang makinig sa lahat ng pagkakataon. I LOVE YOU JAN >:D<>
itutuloy...
Thursday, February 17, 2011
pagiging guro
oh hello there! :)
konti lang ang aking mga larawan
ngunit sana'y maging sapat na ito
upang mailathala ko sa inyo
kung gaano ko ikinatuwa ang pagkakataon
na ito.
ang maging guro.
magsisimula ako sa isang nakakatawang kuwento
(para sakin)
makikita niyo naman na kasama ko dito si SIR DICKIE :))
alam kong nakakatawa na yung mukha niya pero 'di pa yun yung kuwento ko.
naiwan kasi akong mag-isa, oo, walang kasama :(
hanggang sa nakita ko sina SIR RAVE AT SIR DICKIE at vacant nila nun
nagugutom na ako kaya agad kaming pumunta sa kainan.
ngunit wala akong nais kainin.
habang nag-iikot si Rave sa canteen ay minabuti ko na lamang makipagkodakan kay Jaydee.
Nag timer kami, ngunit habang hinihintay ang pag-*click* ng kamera ay biglang dumating si Rave. Humarap sy sa amin at biglang nagtanong "Bakit kayo ngumingiti sa akin?" at bigla siyang ngumiti. Pagkatapos makuha ang aming larawan ay agad kaming nagtawanan ni Jaydee.
(basta nakakatawa kasi si Rave, iba kapag nandun kayo :)))
Habang bakante ang aking schedule ay nasaktohan ko namang nakatambay ang aming guro na si Sir Chris sa labas sa kadahilanang binabantayan niya ang substitute niya na si Ms. Angel.
Nagkaroon kami ng kaunting usapan tungkol sa pamantasan na nais kong pasukan sa kolehiyo.
Ikinwento ko sa kanya ang balak kong pagpasok sa St. Scholastica's College at agad niyang tinutulan ito. Hindi raw ako dapat sa pamantasan na iyon. Maganda raw ang pamantasan ngunit kadalasan hindi maganda ang kinalalabasan ng mga kababaihan sa pamantasang nabanggit.
Marami pang mga pamantasan ang aming napag-usapan. Nagpapasalamat din ako dahil kahit papaano'y alam ko na marahil ang aking papasukan sa susunod na taon. Salamat Sir Chris. :)
Nga pala inubos ni Sir Chris yung toblerone ko :)) andami niya nakain!! TAKAW SOLID!
si TEACHER AGATHA at SIR RAVE
si TEACHER JERVE at MS. LIM pati si SIR LUIGI
(pasensya na wala akong larawan sa lahat yung iba naman malabo) :(
KARANASAN BILANG GURO
Noon pa man ay alam ko ng hindi madali ang maging isang guro. Kung sa pag-uulat pa nga lang ay hirap na akong makuha ang atensyon ng aking mga kaklase paano pa kaya kung magturo ako sa hindi ko pa ka-"batch."
Unang kong nahawakan ang III-NEWTON
Maingay at magulo ang klase, ngunit sulit naman ang pagsasaway sa kanila dahil nakikinig naman sila at mabilis makasunod sa aralin na aking pinagsasabi.
Mayroon silang pagkakaisa at pag sinabi mong gumawa ng ganitong bagay ay agad nilang sinusunod.
Mahusay ang pangkat nila, at nakikita ko ang PASCAL sa kanilang pangkat.
si SHANNA ang pinaka masipag na estudyante para sa akin.
si GINO ang pinaka makulit.
si ADRIAN naman ang bukod tanging sumagot ng maayos sa aking mga katanungan.
(patawad wala akong larawan :( :| )
:)
Ikalawang klase ko naman ay ang III-EINSTEIN
Makukulit at tila ba sinusubok ang aking pasensya. Ngunit wala naman halos naging problema dahil nakikinig naman sila kahit na nag-iingay sila.
Napansin ko lang sa kanilang pangkat na grupo grupo sila.
Ang unang row ay pinaghahaarian ni CARL at ang reyna ay si ELLA habang si RENZ naman ang kanilang pinagttripan.
Ang ikalawa naman ay tila row para sa magkakaIBIGan, dito nakaupo sina CHEZKA at RAMIZ pati na rin si GABBEEEY at NIKKI.
Sa dulo naman ay naroon ang grupo ni PAIGE, ANDREA at YLO.
sa mga hindi ko nabanggit, pasensya, 'di niyo kasi ako pinapansin habang nagtuturo ako sila lang tuloy ang naalala ko.
ang makukulit na estudyante
(sila lang may picture kasi kinuha ni Carl yung cam ko) :))=))
Huling pangkat ang DALTON
nalungkot ako sa pangkat nila.
Pagpasok ko ay sobrang ingay na nila lalo na sa puwesto ni SAIJAN, SARY at ANTON. Ngunit maya maya ay tumahimik rin naman sila.
Nakakabinging katahimikan, :( tahimik pero walang nakikinig.
Pakiramdam ko'y nasa ibang mundo ako na hindi ako "welcome."
Pero natuwa ako kay SARY :))
sinalubong niya ko sa mga corny niyang jokes.
ayun lang wala na ko masabi. :)
MASAYA NGUNIT NAKAKAPAGOD,
MAHIRAP AT MASAKIT SA LIKOD.
ka stress :))
yun lang sa ngayon
hanggang sa muli :)
Tuesday, February 15, 2011
JS promenade 2011
eksaktong 38 araw na lang
graduation na
:)
pero may isa akong araw sa buong buhay ko ang hindi ko malilimutan :)
ang aming PROM :)
ang paghahanda!
Habang abala na ang lahat sa pagpapaganda, eto ako sa bahay walang pakielam nanunuod ng telebisyon at naghihintay ng oras kung kailan sisipagin at magsimula na ring mag-ayos.
Sa aking pagsilip sa ym lahat ay naka afk, brb at prom na ang istatus habang ako naman
"i-chat niyo ako wala akong magawa"
hanggang sa may nag pm sa akin.
"NAG-AAYOS KA NA BA?"
Napatingin ako sa orasan, bakit ako mag-aayos eh mayroon pa namang tatlong oras.
Sapat na iyon wala naman kasi ako talagang paghahandang ginawa.
*makalipas ang ilang minuto*
LEANNE MALIGO KA NA!!!!
BILISAN MO!!!
naririnig ko na ang malalakas na tinig ng aking kapatid na si matetty.
Para bang mas excited pa siya sa prom kaysa sa akin.
"saglit lang!"
*sabay tulak sa paliguan*
MAGPAPA-AYOS KA PA ANONG SAGLIT LANG!!
wala na nga akong nagawa kundi sumunod sa utos niya.
ala-una na nang dumating ako sa pagupitan.
May dalawang babaeng nakasalang sa upuan na tila nagalit ang babaeng nag-aayos at binuhusan na lang sila ng kolorete sa kanilang mga mukha.
Hindi ko sila nakilala ngunit 'pag lapit ko,
si YLO at CHEZKA pala!
napakagandang mga binibini,
pula ang kuko at hanep sa kulot ang kanilang mga buhok.
*sabay bulong kay nanay*
"ma ayoko dito magpaayos ha, ang kapal ng foundation baka mamanhid ako at di na maramdaman kung nasaan ang mukha ko,"
sige sige naman ang sagot ni nanay.
paayos ka na lang ng buhok lee, agad niyang sinambit.
HABANG INAAYUSAN AY NAGTANONG ANG LALAKI
"hair and make-up?"
hindi po HAIR lang po :)
"eh pero matagal yun magpa make-up ka na rin"
*napilitan*
sige ho wag niyo na lang po akong gawing bakla.
"ako na bahala sa'yo"
anong pakiramdam ng nagpapaayos?
parang isang malaking canvass ang iyong mukha
at sandamakmak na kulay ng pintura ang ipinipinta dito
ngunit ng matapos ay 'di naman ako nagsisi
dahil master piece naman ang kinalabasan.
Marahil nga ay nagpapaganda ang kolorete kahit panandalian lamang,
ngunit sa mga oras na iyon
ang pakiramdam ko nama'y
hindi na ako si LEANNE.
na ibang tao na ang nasa salamin.
hindi ko kinasanayan ang ganung mga bagay, ngunit natuwa ako sa aking pinagbago.
sana'y lahat ng pagbabago ay ganoon na lamang,
lahat maganda,
lahat ikasasaya.
NGUNIT TALIWAS ITO SA TUNAY NA BUHAY,
madalas ang pagbabago ay hindi para sa ikabubuti
kundi ikinasasama.
hindi ko na masyadong idedetalye ang parte na ito, ngunit si CHRISTIAN SOVERANO ay nakasabay ko rin sa pagupitan at sinabihan siya ni mama na "anak ang pogi nito, oh isaway mo yung anak ko mamaya ha, tiyak na prinsipe ka mamaya." at ayun nga nagdilang anghel ang aking ina. tadaaan! prinsipe nga si G. Soverano. :)
MISMONG OKASYON
ang aking "prom date"
(ngayon F.O na kami)
prom, naging masaya ang lahat lalo na noong nagsasayawan na. :)
pero ako naging masaya ako noong nakuha ko ang larawang ito :">
(pagpasensyahan ang aking mukha si JONG na lang pansinin niyo. :">)
lahat maging ang aming guro ay natuwa :)
lalo na si sir zen na nasayaw sa gilid ng kuhaan ng pagkain :))
nasa gilid lamang siya ngunit todo bigay sa bawat kembot niya :))
(meet my daddy)
at ang party king :))
lumiit siya pramis :))
di kinaya ng height niya yung heels ko :>
(meet my bestfrenemy)
patawad dahil wala akong larawan kasama ang iba pang guro ko. :(
ngunit nais kong makilala ninyo ang mga tunay na kaibigan ko :)
dahil sa kanila ay tunay na naging maligaya ang aking PROM :)
ang aking master :) \m/
SAMURAI
marami pang ibang tao ang kumumpleto ng PROM ko
ngunit kung ilalagay ko ang larawan namin dito
baka isipin ninyong scrapbook na ito :)
masyadong madami ngunit alam niyo naman kung sino kayo :)
mahal ko kayo
sobra
galing yan sa isip at puso ko :)
(bihira lang magkatugma ang isip at puso)
sabi nila espesyal daw ang una't huling sayaw kaya ito :)
ang unang nakasayaw ko:

(si raymond yan :] )
ang huling nakasayaw ko :)
(si christian joseph a.k.a bea alonzo)
BAGO KO ITO TAPUSIN MAY NAIS AKONG IPAKILALA SA INYO
:)
ANG PAMILYA KO
:'( mahal na mahal ko sila at hindi ko ipagpapalit ang mga sandaling nagtawanan kami.
sana sa kolehiyo'y manatili silang mga anak at apo ko :)
nais ko silang ipakilala :)
(left-right)
RUEL
CELINA (si Celina yung apo ko kay Agatha at asawa niya si Ruel) :))
THEA (anak ko, walang asawa :)) single but the heart is taken by killer smile)
*magaling magsulat at maganda (mana sa parents)
*sa kanya galing ang larawan na ito
AKO
JONG (ama ng mga anak ko :">)
*pinakapoging asawa
*matalino
*ngunit TAKSIL :)))
LUIGI
AGATHA (si Agatha yung anak ko at asawa niya si Luigi)
*magaling magdrawing
*magaling kumuha ng larawan
*maganda
(mana sa magulang niya :]]])
LORENZO
JANNA (si Janna ay anak ni Agatha, sa makatuwid apo ko siya at asawa niya si Lorenzo)
'di pa yan lahat :) sobrang malaki yung pamilya namin :)
mamimiss ko silang lahat :"> :'(
nga pala kung nagtataka kayo ano nangyari sa akin pagkatapos nung prom, kumain lang ako ng crepe :))
ito siya oh!
at diyan nagtatapos ang isang makasaysayang gabi ng buhay ko! :)
maraming salamat sa pagbabasa!
hanggang sa muli,
-LEE-
Tuesday, February 8, 2011
unang pag-ibig
PAANO NGA BA KAMI NAGSIMULA?
paano nga ba nagsimula ang aking tinatawag na
"unang pag-ibig"
nagsimula kami sa DOTA :)
oo sa dota!
adik kasi sa dota mga tao nun :))
so nakipagpustahan ako
"PAG NAKAYA MO HINDI MAGDOTA PWEDE KA NA MANLIGAW"
:))
ayan kaya ayaw ko nakikipagpustahan lagi akong talo.
kasama ng impluwensya ng kaibigan ayy ayun nagkatuluyan na nga.
naging masaya naman ako at lab ko sya talaga (wag na natin idetalye)
yooon sa mga nakakakilala samin alam niyo naman na WESTMONT ang tambayan natin nun.
basta yun na yun.
hmm .. . .
ayos nung kami kasi
-- HINDI SIYA NANINIGARILYO
--HINDI UMIINOM
at
--HINDI NAGDODOTA
nakakalungkot lang eh nung naghiwalay kami
napabayaan niya nanaman ang sarili niya.
magkaibigan kami
pero wag na natin ipilit ang wala na talaga :)
masaya na ako na kaibigan ko siya
pero sana talaga
SANA MAKINIG SIYA SAKIN
wag ka na manigarilyo please lang
kung gusto mo mamatay ng maaga
mag suicide ka na lang. :(
sayang baga mo eh!
ayun lang yun. :)
'til next time :)
-LEE <3
hindi makakalimutang guro? marami ako niyan. :)
sa mababang paaralan.
SI TEACHER GINA ESPORLAS <3
sa lahat ng naging guro ko si t.Gina ang masasabi kong tunay na naging ikalawang ina ko.
hanggang ngayon ay binabalikan ko pa rin siya sa grade school department.
magkakilala nga sila ni mama eh!
pareho kasi silang kapampangan at pareho nila akong anak.
Siya ang naging unang gabay ko nang pumasok ako ng paaralan.
NAGPANGARAL, NAGTURO AT NAGMAHAL SA AKIN
ng buong buo.
Isa siya sa mga humubog ng pagkatao at isa sa mga dahilan kung bakit si LEANNE ako ngayon. :)
natutuwa ako kasi sa tuwing binabalikan ko siya sa kabilang departamento ay lagi niyang sinasabi na "wala ng estudyanteng kagaya nito(ko) ngayon, yung tipong teacher's pet" :"> ang ganda ganda ko daw! siyempre nay kanino pa ba magmamana? :)
MAHAL NA MAHAL KITA NANAY >:D<
sana mabasa mo 'to :">
MS . ARLENE
mapanlinlang na tingin.
titingin sayo ngunit iba ang tatawagin yan ang tatak niya.
da best siyang talaga.
I LOVES YOU MS. A
sa mataas na paaralan.
MEIMEI JULIE
si meimei julie. :) wala akong masabi kundi NANAY NA, ATE PA, TEACHER AT LAHAT LAHAT NA. :)
sobrang dami kong natutuhan sa kanya. :)
nagturo na ng FILIPINO
nagturo na ng MATH
nagturo na ng TLE
nagturo pa ng CHEMISTRY
sobrang nagpapasalamat ako kay meimei kasi hindi niya ako pinabayaan mapunta sa
di tuwid na daan at lagi siyang nandiyan upang sumuporta.
Nagpapasalamat din ako kasi kahit anong maging problema
ay lagi niya akong napapayuhan.
MAHAL NA MAHAL KITA MEIMEI <3
sana rin mabasa mo 'toh :> :*
si SIR/KUYA YUAN :)
pambihira.
isa sa pinaka naging malaking impluwensya sa akin.
lalo na sa pagsusulat.
iniidolo ko sa lahat ng bagay
(maliban na lang 'pag tungkol sa pag-ibig)
isa sa mga taong hindi ko kayang paglihiman :))
masyado niya akong kilala.
bukod sa pagiging "IN" na guro
eh da best din siya na kapatid
lahat na ng payo ibibigay niya sa'yo ang da best na gawin ay sundin na lang ang payo niya.
MARAMING SALAMAT KUYA >:D< aylalalabyu
SIR CHRIStopher
wajajajajaja. SI SIR CHRIS ang dakilang STAT TEACHER :))
terror sa statistics toh
wala kang assignment? kumuha ka na ng 5 yellow pad at maghanda ng 3 ballpen na ittape.
:)) yan si sir chris buong darwin di makauwi dahil sa pambihirang yellow pad na yan.
syempre nagtutulungan kasi kami nun.
ewan ko ba :)) lagi akong inaaway nito sama sama eh :))
pero weeeh sobrang da best kausap
paano 'di nauubusan ng kuwento :))
SALAMAT SA LAHAT (mabait pa description ko dyan ah!) aylalalabyuu
sana mabasa mo ;) :))
para kahit minsan masabi mo
bait naman ni LEE :))
KAHIT MINSAN LANG :))
si DOC ED
terror na nakakatawa
:))
SINO BA NAMANG MAKAKALIMOT KAY DOC ED?!
wala kang assignment?
LABAS
madumi class room?
TAYO (buong isang oras)
pasaway ka?
PANLALAIT ang sasalubong sa'yo
:))
ewan ko ba, kahit gaano kahirap ang MATH at sandamakmak na CALCULUS
eh may sigla pa rin ang aming klase,
iba talaga si DOC
sabi niya nga eh
"KUNG MASAKIT MAN ANG MGA SINASABI KO, MABUTI NA YUN SA AKIN NINYO NARINIG KAYSA SA IBA. HINDI AKO NANDITO PARA I-PLEASE ANG MGA ESTUDYANTE KO NANDITO AKO PARA MAGTURO SA INYO."
da best :))
aylalalabyuuu DOC ED thank you :)
alam niyo naman po kung ano kayo sa'kin nasabi ko na nung retreat :>
si TATAY :)) SIR FELIX
maiksi lang toh ha!
pag mainit ulo ni tatay
*bagsak ng table*
TUMAYO KA SA UPUAN!!
LUMABAS KA!!
:)) yan lang maririnig mo sa kanya
dati ay mayroon soyang dakilang pito
ngayon wala na
iba na kasi P.E teachers
boo
mas gusto ko si tatay <3
aylabyuuu tay :) salamat po sa lahat.
SIR ANDREW
magaling magturo walang duda. :)
pero kaya hindi ko siya makakalimutan ay dahil sa kalokohan nina JASON AT JEAKEN.
noong second year kami ay nagsuot si sir andrew ng polo at naka botones ito hanggang leeg.
nagulat na lang kami ng kinuha ni JEAKEN ang kamay ni JASON at umawit ng
ama namin...
(mga loko loko)
nagalit si sir andrew at sinabing
"IT SEEMS LIKE MY CLOTHES ARE VERY CONTROVERSIAL, DO I LOOK LIKE A PRIEST"
oh! ano napala nila? ANECDOTAL RECORD :))
yan !
aylalalabyuu sirr andreew
MS. ADONA
pinaka mgaling na biology teacher :)
i miss you ms!
si mohammad at charlie ba un?
ung bones at internal organs?
I LOVES YUUU >:D<
SIR ZEN
daddy.
wala na kong masabi :>
basta MABAIT NA TERROR siya yun. :))
lahat naman ay hindi ko makakalimutan ngunit ang mga guro na ito'y sadyang tumatak sa isip puso at pagkatao ko. :)
MAHAL KO LAHAT NG GURO KO >:DDDD<
Subscribe to:
Comments (Atom)




