tuloy po kayo. :)

hello!
annyeong!
kumusta?

ito ang tahanan ko sa "cyber world."

una sa lahat, nais kong ipaalam na ginawa ko itong "blog" na ito dahil:

1.) Isa ito sa mga kakailanganin ko upang ako ay makapagtapos.
2.)Para kay G. Yuan Anot na guro ko sa Filipino.
3.)Para magkaroon ng mataas na marka.
at ang huli,
upang maibahagi ko ang isang parte ng buhay ko sa inyo.

sa mga mambabasa at natutuwa sa gawa ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang humushuga sa isinusulat ko, SALAMAT.
sa mga mambabasang umuusyoso lamang, SALAMAT.
sa mga mambabasa o sa kung sino man ang dumaan dito, SALAMAT.

maari po kayong mag-"reply" sa bawat artikulong ibabahagi ko, tatanawin ko po itong malaking tulong upang mabago ang istilo ko sa pagsusulat. :)

"ORA ET LABORA"
(that in all things God may be glorified)

ito ang pagbabasehan ng mga artikulo ko dito sa blogspot.

noyPi

noyPi
(pindutin ang imahe para sa isa ko pang "blogspot")

at yor serbis! (pindutin ang larawan upang makatungo sa aking mundo)

Sunday, February 20, 2011

ang aking una't huling paalam

ayokong magpaalam,
kaya't sisimulan ko ito sa

HANGGANG SA MULI KAIBIGAN :)

sa totoo lang ay umiiyak na ko bago ko pa simulan ang pagsusulat ko dito. :(
22 araw na lang bakasyon na para sa iba, para sa aming mga SENIORS naman ay 22 araw pa.
kailangan pa naming pahabain ang 22 araw bago kami maghiwahiwalay.

(ohyeah wag kayo maweirdohan kung bakit di pa man ay umiiyak na ko, bago kasi ako gumawa ng kahit anong blog ay naghahanap ako ng mga larawan na maari kong gamitin and yeah \m/ nag return of the comeback ako sa past.)

sisimulan ko sa unang taon ko sa hayskul. :)
(wala akong maibahagi na larawan, pasensya)

I-FLEMING
ms.beck
ms.renee

KAMI ANG CERTIFIED TEACHER'S ENEMY NUMBER 1

Sinusuka ng lahat ng guro ang aming pangkat,
lahat yata ng magulo sa amin napunta ngunit masasabi kong sa amin din naman ang pinakamasaya na seksyon. Bagamat pangit ang tingin sa amin ng mga guro, hindi kami nagpadala dito, pinagpatuloy namin ang aming kakulitan kahit na sawayin. Anong kinalabasan? Natuto kami sa aming mga pagkakamali. Nakatulong ito upang maging matatag ang aming relasyon at higit sa lahat naturuan kami nito na maging mabait hindi para sa iba kung hindi para rin sa aming mga sarili. Minahal ko ang Fleming kasi ito ang naging pundasyon ng bagong ako nang tumungtong ako sa hayskul.

Dito ko rin pala nakilala ang ilan sa mga pinakamalapit na kaibigan ko :)
(ilan sa kanila'y 3 taon kong nakasama sa buhay hayskul ko)
Nais ko silang pasalamatan dahil ni minsan ay hindi nila nilisan ang tabi ko at naging tunay silang tao sa akin. Sila yung tipo ng mga kaibigan na mahihirapan akong paalamanan.

ERIC KURT MALDINGER
maaaring nakilala niyo siya bilang makulit, bibo at pinaka magulong tao sa mundo ngunit sa akin isa siyang kapatid na palaging nandiyan handang sumuporta at handang magpayo sa oras na walang wala kang matakbuhan. hindi ko nanaising baguhin ang kahit na anong pangyayaring aming naranasan, maganda man o hindi. sa lahat ng naging problema ko siya lang yung tao na isang lapit mo lang handa kagad makinig, hindi ka ipagtatabuyan at never akong tinalikuran. lahat yata ng sikreto ko siya lang nakakaalam. sa iilang away na napasali ako sa ann arbor siya lang palagi yung natatakbuhan ko at siya lang rin ang nakakakilala sa akin kahit hindi ako magsalita alam niya kaagad kung anong meron sa akin, mahal na mahal kita kuya kahit binubully mo ko! Salamat sa lahat, sana nandiyan ka pa rin kahit college na tayo. da best kang kapatid.

CARLOS ALDAS REYES II
si kaloy, hmm siya ay walang kwenta, abnormal, loko loko at muntanga, para sa inyo. pero para sa akin dabes bestfriend si kaloy! kahit na nang-iwan siya nung third year hindi pa rin sya nakalimot. isa rin siya sa mga taong sobrang kilala ako, tingin pa lang sa mata alam niya na pag may mali. sa totoo lang hindi ko lubos maisip na magiging matalik na kaibigan ko si charlie dahil sobrang magkaiba ang aming pag-uugali. ako mabait siya naman masama ako tahimik siya napakadaldal pero nung dumating yung oras na kailangang kailangan ko ng kaibigan na masasandalan siya lang yata ang nag-abot ng balikat niya upang aking maiyakan. sa totoo lan isa siya sa mga taong nagpatatag sa akin at nagturo sa akin kung paano magtiwala sa sarili. hinding hindi ko makakaliutan 'di lang ang aming mga kalokohan ngunit maging ang mga panahong umiiyak ako at nakikinig siya at ang mga panahon na ipinagkatiwala niya sa akin ang mga luha niya at mga oras na naglalabasan kami ng sama ng loob. thank you sa lahat kaloy alam mo namang love kita and yung yellow pad moments natin. alam ko namang di ka mawawala ee. :)

(charlie and eric)

JANNA VERNICE RACELIS VILLALON
si janna, kung anong pagkakakilala niyo sa kanya ay ganun din ako. hindi siya nabigong tuparin ang gampanin ng isang kaibigan, handa siyang makinig sa lahat ng pagkakataon. I LOVE YOU JAN >:D<>



itutuloy...



1 comment: